Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Renz John Pacheco


Si Renz ng 4f 2011


   Ayon sa kwento ng aking ina ay noong pinagbubuntis pa lang niya ako ay swerte daw po ang magiging anak ko.Ako po ay ipinanganak noong disyembre 1,1992.Noong nag-isang taon po ako ay maraming ninong at ninang ko po ang nagpunta sa bahay nmin at marami rin nagregalo sa akin.Masasayang masaya po ako noon.Maraming handa at maraming lobo.May cake pa.
   Pagkatapos po ng isang taon ay sumapit muli ang ikalawang kaarawan ko.Ngunit hindi ako naging masaya noon dahil sa iniwan na po kami ng aming ama bagong silang pa lang po ang kapatid ko noon.Hindi na namin nasilayan ang pagalis na aming ama.Malungkot si mama noon ngunit nagtiis kaming tatlo kahit iniwan kami ni papa.Nagtrabaho si mama upang matustusan ang aming pangangailangan
   Noong tatlong taon po ako,naging masakitin na po ako.Mataas lagi ang lagnat.Lagi akong sinusugod sa ospital ni mama.Ang kapatid ko naman ay naging malusog kaysa sa akin.Mabilis ang aking paggaling noong ako ay nagkasakit.Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil sa mabilis kong paggaling
   Apat na taon po ay natuto na po ako magsalita ng diretso.Tinuturuan po ako ng aking ina habang ang kapatid ko po ay naglalaro sa crib.Lagi po akong pinapasyal ni mama sa sampaloc lake.Noon ayon sa kwento niya po sa akin.masaya po kami ni mama.
   Naglimang taon na po ako ay nagaaral na po ako sa kindergarten.Marami po ako natutunan sa teacher ko ngunit lagi napapagalitan ng teacher ko dahil sa sobrang kulit ko noon kasi bata pa po ako noon.Lagi po ako  hinahatid  sa school.Dala niya po ang aking bag at lunchbox.Doon na po ako kumakain sa school.Tinuturuan po ako magbilang at magbasa ng aking teacher.Paggraduate ko po ng kinder ay tinawag na po ako at sinabi ko po kung ano ang aking ambisyon."i want to be a police man".Proud na proud po sa akin ng aking ina.Nagpapasalamat po ako sa pagiging magpaalaga sa akin noon.
   Anim na po ako noon ay pumasok na po ako sa ika-isang baitang at marami po ako nakilalang bago mga kaklase.Mababait po sila sa akin lahat.Mapagbigay at matapat sa kapwa.Sabi po sa akin ng aking teacher.renz,ikaw ba ay mabait?.Ana sagot ko naman po."opo teacher".Tuwang tuwa po sa akin ang teacher ko habang nagkakaklase po kami ay pinagmamasdan po ako na aking teacher.Nakangiti po sa akin naging first honor po ako noong nasa ika-isang baitang po ako.Maraming parangal ang aking natanggap.Nagpapasalamat po ako sa pagiging mabait po sa akin ng teacher at muling natuwa ang mama ko sa akin.Mahal na mahal po ako ng aking ina.Ganun din po ako sa kanya dahil pinalaki niya po akong magalang sa nakakatanda.
   Pagpasok ko po ng ikapitong taon ay nasa ikalawang baitang na po ako at naging guro ko po noon ang aming kamaganak at kapatid pa ng lola ko.Naging maganda rin ang pakikitungo sa akin ng aking guro na kamag anak namin.Kahit minsan pasaway ako ay pinagsasabihan na lang niya ako at pinalad ako na maging first honor ulit dahil sa ipinamalas ko ng husay sa aming paaralan ng san crispin elementary school.Naging masaya sa iba ko pang kamaganak dahil sa pinalaki ako ni mama na may takot sa diyos.Salamat po ulit sa inyo mama.
   Ikawalont taon ay nasa ikatatlong taon  na ako.Marami na ang tinuturo sa akin ang bago kong teacher.Nagturo sa akin ng ibat-ibang larangan sa sining pati sa musika at palakasan medyo strict pa ang aking guro noong nasa ikatlong baitang.Ngunit naging mabait din naman po siya sa akin.Kaso minsan po ako nagkakamali ng gingawa sa loob ng silid aralan ngunit tinuturo po yon sa akin ng aking guro.Maraming kaklase ko po ang naturuan kapag hindi nila alam ang gagawin.Pagkatapos aykapag uwian ay masaya kami magkakasabay galing sa school.Nagpapasalamat po ako sa guro namin sa muli naming pagtatapos sa ikatlong baitang maraming po salamat sa inyo mahal naming guro.
   Siyam na taon na po ako noon ay ay nasa ikaapat na baitang na po ako.Panibagong pagsubok nanaman ito.Panibagong guro nanaman ito sa lahat na naging guro.Parang ina ko ito dahil sa napakabait niya sa akin.Bonobigyan niya po ako ng pagkain kapag recess.Hinding hindi ko po siya makakalimutan.Nagpapasalamat po ako sa kanya ng marami dahil sa lahat kong natutunang asal sa kanya.Maraming salamat po sa inyo.
   Sa pagtatapos ng elementarya ay malungkot kaming mga magkakaklase dahil sa magkakahiwalay na kami ngunit maging masaya masaya kaming magkakaklase.Pagkatapos ng graduation maraming magulang ang natuwa sa kani-kanilang mga anak at sa pinakahuli ay nagpapasalamat po ako sa lahat na naging guro ko lalong lalo na sa pinakamamahal kong ina na nagpaaral sa akin ng anim na taon.
  Noong naglabingtatlong taon na po ako ay nagaral na po ako sa san pablo ng hayskul.Sa unang taon ko palang ay medyo mahirap na ang mga ginagawa ng mag-aaral dito ngunit nagsikap po ako nang makatapos ako ay nagtagumpay na po ako.Maraming proyekto ang pinagawa ng guro namin ngunit natapos upang makapagtapos ako sa unang taon.
  Noong nasa ikalawang taon na po ako ay marami po humahanga sa akin dahil sa husay ko po sa arithmetic.Ngunit nakaroon po ako ng kakumpitinsya sa paglaban sa ibat-ibang school.Pero ako po ang napili ng guro ko po na lumaban.
Ang aking mga Classmate
Ang aking Barkada
Ang aking Crush
  Noong ikatlong taon po ay huminto po muna ako sa kadahilanang marami po ako gastusin sa eskwelahan.Si mama ay napilitang na magtrabaho sa ibang bansa na po ang mama ko.Habang nasa ibang bansa na po ang nanay ko ay tumutulong na po ako sa tindahan ng tita ko dahil sa siya ang nagpapaaral sa akin ngayong fourth year na ako habang si mama ay dalawang taon sa singapore.Hanggang dito na lang ang talambuhay ko.
Si Renz at ang aking Minamahal





  Maraming maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment