baby pa ko |
mama ko at pinsan |
papa ko |
ako nung grumaduate ng kinder |
ako nung grumaduate ng grade 6 |
Noong ako ay mag-first year High School na, dito ko na naranasan ang mga pagbabago sa aking sarili.Dito na ako nagging mas matured, dahil sa ako ay nagdadalaga na.Noong ako naman ay mag-second year High School na, dito na ako mas lalong bnagsumikap sa pag-aaral dahil sinabi ng aking mga magulang na pagbutihan ko ang aking pag-aaral. Dito ko rin nakilala ang mga kaibigan kong, “VheSouMenReEIBaVy”. Iyan ay kinabibilangan nina Vhera Alamag; Souzette Sanico; Menchie Regachuelo; Reslie Villapando; Ella Mae Cuello; at Ivy Victorino. Subalit sa pagiging Choir sa aming kapilya o sambahan, medyo napabayaan ko aking pag-aaral. Sa kadahilanang lagi akong nakakaliban sa klase, dahil maraming ginagawa sa aming sambahan o sa aking pagka-choir. Pero hindi ko naman sinisisi ang pagiging choir ko sa amimg sambahan sa pagpapabaya ko sa aking apg-aaral. Dahil Masaya naman ako sa aking pagka-choir, dahil nakakapaglingkod ako sa Panginoong Diyos.
At dahil sa pagkakapabaya ko sa aking mga marka, lubhang bumaba ang aking mga grado, at dahil sa nangyari, ako ay na-deliberate sa asignaturang English at A.P.. Pero nakapasa naman ako at nagging third year.Nang ako naman ay nag-third Year na, pinagbuta ko na ulit ang aking pag-aaral. Inayos ko na ang aking schedule sa pagka-choir, upang sa ganoon, hindi na ako masyadong nakakaliban sa klase. Sa year na ito, nawala na ang aking pagkahiya, dahil sa mga ipinagagawasa amin. Sa year na ito, naging magulo ang aking pamilya. Dahil sa nag-aaway sila at umalis pa sa aming bahay si mama, na lalongnagpalungkot sa akin. Ang papa ko naman at ang kanyang mga kapatiday nag-aaway-away nga dahil sa kanilang ina na may sakit. Ito ay ikinalungkot ko dahil nag-aaway-away silang lahat. Ako’y naapektuhan dito. Pero kahit na maraming problema ang aming pamilya, nagpursigi parin ako sa pag-aaral. Dahil sa aking pagpupursigi, nakapasa ako ng third year at naging fourth year na nga ako.At “at last”, naging fourth year na nga ako, na lubhang ikinasiya ko, dahil matatapos ko na ang mahabang paghihirap ko sa High School. Sa year na ito, naging maayos na ang aking pamilya. Nang mamatay ang aking lola dahil sa kanyang sakit. Saka laman nagkabati-bati ang aking pamilya. At bumalik na rin sa aming bahay ang pinkamamahal kong ina. Naging masaya na ako.
At dahil doon, mas lalo ko pang pinagbuti ang aking pag-aaral. Bawat araw ay nagsusumikap at pinipilit kong mapabuti ang aking pag-aaral. Kahit na minsan ay dumadanas kami ng ‘financial problem’.At sa ngayon, inaantay ko na lamang ang aking pag-graduate. At magiging college na ako.
ako ngayon |
No comments:
Post a Comment