Ang talambuhay ni Daryle Joyce A. Flores
class picture ng 4f |
Ako si Daryle Joyce A. Flores ipinanganak ako nong Hulyo 27 taong 1994 isinilang ako sa Doctors Hospital akoay pangalawa sa bonsong magkakapatid, Meron akong katangian, nakita ko lang ito nung ako ay 6 yrs. Old, magaling akong gumuhit at mag sulat, at higit dito meron din akong angking katalinuhan. Ang aking mga magulang na siyang nagpalahi sa akin at tinuruan ng tamang asal ay si Arsenia A. Flores at si Dario C. Flores, Ang aking ina ay masipag sa mga trabaho at ang kanyang trbaho ay isang mananahi ng stuftoys na kung saan ay nakasama niya ditto si Sir. Dennis Lacsan sa trabaho. Ang aking naming ama ay isang huwarang masipag din sa trabaho at ang trabaho nito ay isang welder, silang mga pamilya naming ang bumubuhay sa amin upang makapag aral sa eskwelahan. Gusto ko lang naman maibahagi na 6 kami magkakapatid at ang kanilang mga pangalan ay si Lulu V. Reyes meron na siyanng asawa, siya ay isang guro ng HRM sa DLSP o Dalubhasaan ng lungsod ng San Pablo, Sumunod naman ay si Paul Euri meron na ding asawa at may 2 supling na anak, si Rogelo at si Ninevetch, si Ninevetch ay nag aaral ng midwife sapagkat hindi niya ito natapos sa kadahilanan na maaga siyang nag asawa at ang naging asawa ay si Adelon Ciolo guro sa saint Joseph Schoolat aming naming bunsong kapatid na si Darrizzle Julia A. Flores nag aaral siya sa School ng CLDDMNHS.
ako at ang aking barkada |
Noong ako ay 6 na taong gulang gustung- gusto kong makapag-aral, makapasok sa paaralan ngunit noong dumating ang time na enrollment hindi ako tinanggap kasi bata pa daw ako at 6 na taong gulang palang daw ako. At ang pwede daw mag grade 1 ay dapat nasa edad 7 taong gulang kaya nag-intay pa ako ng isang taon para makapasok sa paaralan pero handing handa na akong pumasok nung time na yun mayroon na nga akong dala-dalang gamit. Nag-iiyak ako nun nung hindi ako nakapasok. Nang nag 7 taong gulang na ko enrollment na ulit, masaya na ako nun kasi makakapasok na ako. Tinanggap na ako maggrade 1 at excited na ako makapag-aral at ang naging guro ko ay si Ginang. Estrella A. Pestijo. Ang section ko ay grade 1-A. Nung nag-activity na kami pinagdrawing kami ng bibe na nga nakagawa nga ako hindi ko yun inaakala na makakagawa ako nung natapos ko yung drawing tuwang tuwa ako, takbong takbo ako pauwi sa amin para ipakita sa aking ina ang aking nagawa o naiguhit at ditto nakitaan ako ng angkin galling sa pagguhit. Nung ako naman ay Grade 2 ang naging guro ko naman ay si Ms. Amihan A.F. Eseo, paborito akong mag-aaral ni Ma’am tuwang-tuwa siya lagi sa akin.Nakapasa kami ditto at naging Grade 3 at naging guro ko naman ay si Ginang Melinda Acosta, mabait siyang guro at dito yung classmate ko na si Jhon Paul nanghingi ako ng isang papel at pagkatapos nun awasan na kami sabi nung isa naming classmate na si wilfredo may crush daw yun sa akin tapos tinatanung ko ano yung crush? Syempre hindi ko pa yon masyadong alam. May gusto pala siya sa akin. Tapos nung grade 4 kami hindi pa din niya ako tinitigilan at naiinis na nga ako nun. Ang guro namin nung grade 4 ay si Ma’am Dela Cruz at kinalulungkot ko ay pumanaw na siya. Si Gng. Dela Cruz ay isa siya sa guro na nasa school canteen at napakabait niya. Grade 5 na ako ang aking naging guro naman ay si Ma’am Baby Jean Fernandez, super close naming guro ngunit di naming namalayan na dumaan siya sa sang malaking operasyon at ito ay sa obaryo. Awang-awa kami sa aming guro at nung gumaling na siya ay may contest kami ng tula at ito ay pinamagatan na “The Cry Awoke Balintawak” lumaban kami sa paaralan ng Paaralan ng Pag-ibig at Pag-asa (PPP) ang costume ko dito ay isang igorot. Natalo kami nun kaya hindi kami Masaya pero may parangal pa din sa amin at iyon ay best in costume Masaya pa din naman kahit hindi namin nakuha ang parangal sa pagtula. Grade 6 na kami ang aking naging guro ay si Ginang. Guadalupe Banayo, isa syang matanda ng guro pero magaling siyang magturo minsan nagalit siya sa amin dahil nabasag namin yung aquarium na hindi namin yun na mangyayari. Nagkaroon ng timpalak sa pagguhit at ako ang inilanban sa amino klase. Pinagpapractice kami sa library at nung natapos na yung drawing ko na may temang “ Pag-iimpok sa pananaw ng bata” hindi ko ito akalain na napili ako sa aming eskwelahan na ilaban sa ibang eskwelahan at ito ay sa San Anton Elementary School. Kabang-kaba ako nung lalaban kami, pagkatapos ng laban nagpahinga muna at sinabi na ang nanalo napili ako sa isa at nakuha ko ang pang limang pwesto napakasaya ko talaga at nagpapasalamat ako kay God, dahil kung hindi niya ako ginabayan sa laban siguro ay talo ako sa timpalak na ito.Mlapit na kaming mag graduation gumawa muna kami ng essay na ang title ay Äng aking Pagtatapos”nakagawa ako nito at pag katapos binasa ito sa unahan. Napaiyak nga ako nung binasa ko ang aking pagtatapos nagpractice naman kami ng graduation song at ito ay “JOURNEY”. Iyakan kami ditto sa kantang ito kahit di pa kami ggraduate at ito na nga malapi na ang graduation naming March 28, 2007.”GRADUATION DAY” na hindi pa umpisa ang program nag-iiyakan na kasi magkakahiwalay na kami mag bebestfriend at mag kakaklase. Nag umpisa na ang program nung tinawag na ang pangalan ko upang makuha ang aking diploma madami akong iyak dito at talagang nakakatouch ang graduation march. Tapos sabi ng teacher namin magbibigay daw naman ng rose sa mga parents tinawag ulit ako dito at pinaakyat ang mama ko upang ibigay sakaniya ang rose habang ibinibigay ko ito tinugtog ang graduation song na touch din ako sa kantang yon dahil nakaktulo talaga ng luha. Binigay ko ang diploma ko sa mam ko at yung rose. Pagkatapos ng graduation RECOGNITION naman yun nga may award ako dito certificate nga lang dahil sa pagkakapanalo ko sa drawing contest nung natapos na ang recognition day nag papicture kamimg dalawa ni John Paul sa likod ng aming classroom at naiiyak ako dito kasi hindi na kami magkikita. Napakasaya pero may kahalog lungkot kasi hiwhiwalay na ang mga matagal ng magkakasama sa loog ng 6 na taong pagsusunog ng kilay. Nagpapasalamat din ako sa magulang ko na gumabay sa akin sa pag aaral sa 6 na taonng pinuno nila ng hirap para lang makapagtapos ako sa elementarya. Maraming maraming salamat sa magulang ko sila aking buhay at kung wala sila ay wala din ako.
Bakasyon, masaya din naman kahit tigil sa bahay at kahit wala sa school, yung iba kong classmate ay nakikita ko pa din. Masaya kaming nagbakasyon, nagswimming kaming mag anak kasama namin yung kapatid ni mama na dumating galing sa Australia, lahat ng kamag anak naming ay kasama, ginanap ito sa Galliano resort at sa Villa amante resort at masaya kaming nag picturan.
Tapos na ang bakasyon masaya ulit kasi ayan na ang high school life. Mararating ko na lagi ang bayan. Nag enrolment kami sa school ng CLDDPSH yung iba kong kaibigan ay dun din nag aaral at yung aba naman ay classmate ko pa, Masaya at nag kasama ulit kami. 1st yr na ako wow! Ang saya, section ko dito ay 1-H guro ko si Mr. Calabia na siya ay teacher sa math. Magaling din siyang magturo nung nag class organization kami ako yung napili bilang secretary n gaming klase. Ngayong 2nd yr na ako teacher naman naming dito ay si Gng. Bidula teacher ng Filipino, nag play kami dito ng Floranta at laura at isa ako dito na mang aawit, ngunit hindi kami nanalo sa play na ito.
Nag karoon din ng singing, masaya din ito dahil kantahan, at sayawan ito, meron din ditong battle of the band. 3rd yr, naman, angbilis ng panahon isang taon nalang 4th yr na kami, teacher naming ay si mam Deomano, teacher ng math at siya ay adviser ng 3-F. Ngayong 4th yr na kami masaya na gagaraduate na ulit kami napakabilis talaha ng panahon, mahirap maging 4th yr student dahil dapat ay tutok ka sa pag aaral mo kasi tagumpay sa buhay ang nakataya dito pati para na din sa akin ito. Masaya maging high school madami na din akong napagdaanan na masasayang araw na napagsamahan kasama ang mga barkada at kababata.
barkada ko |
ako at bestfriend ko |
Ngayon na gagaraduate na kami wish ko lang sa lahat ay makatutng entablado para naman lahat ng magulang ay maging masaya sa amin. Syempre malungkot ako dahil lath ng mga classmate ko ay mag iia na ng mga school hindi na kami magiging tulad ng dati. Sana makanap kami ng magagandang trabaho para sa aming mga magulang para masuklian namin ang hirap na nagawa nila para sa amin. At nung JS namin ay gumising ako ng maaga dahil ako ay nag pakulot ng aking magandang buhok.
No comments:
Post a Comment