Saturday, February 19, 2011

ANG TALAMBUHAY NI ELDREN DEL VALLE


Ayon sa aking nanay ,noong ako ay dalawang buwan palang niyang ipinagbubuntis ay akoy napaglihihan niya sa hamburger.                        
Taong 1995 ika-7 ng abril ay nakaramdam ang aking nanay ng pananakit ng kanyang tiyan.Sa ganap na oras na 10:30 ay isinugod ang aking nanay sa city hospital,ngunit inabot pa siya ng magdamag doon.
Eldren Del Valle nang 1 taon palang.
Sa ganap na 8:00 ng umaga ika-8 ng abril ,saka iniluwal ang isang cute na batang lalaki na nag-ngangalang Eldren Del Valle.Ang aking mga magulang na sina Eduardo Del Valle at Myrna Del Valle ay tuwang –tuwa nang magkaron sila ng isang anak na malusog.
Pagkalipas ng dalawang buwan ng aking kapanganakan ,ika-24 ng hunyo ay piesta ng san juan at sa araw ding iyon ang aking binyagan.Sa simbahan ng katoliko sa san juan ako bininyagan ,at ditto ay dumalo ang aking mga magiging ninong at ninang na sina ninong being,ninong edgar ,nining uwen ,ninong boy,ninang ninet ,ninang norma at nining selia.
Ang aking ama't ina na sina Eduardo Del Valle at Myrna Del Valle.
Pagkalipas ng tatlong buwan nang aking binyagan ay dinala ako ng aking mga magulang sa sto.domingo albay.Dito nakatira ang aking mga lolo at lola na sina Dios Coro Bellen at Avelina Bellen na magulang ng aking nanay.Tuwang tuwa naman sila ng Makita nilang malusog ako at lagi nila akong pinaglalaruan at kinakarga ,dahil sa akin ay nagiging masayang-masaya sila.
Pagkalipas ng pitong buwan ay sumapit na ang aking unang kaarawan,kung saan ay nagging isang taong gulang na ako.Marami ang mga nag sidalo ditto at marami din ang aking mga nagging handa tulad ng spaghetti ,sopas ,pansit,tinapay at iba pang mga putahe.Makalipas ang tatlong buwan ng aking kaarawan  .Ayon sa aking tatay ,nang umuwi siya galing trabaho at nang humiga siya sa kama ay hindi daw niya napansin na wala na pala ako sa kama at maya-maya pa ay nag simula na akong umiyak.Nagising ang aking tatay at nang magising siya ay hinanap niya ako ,sinundan niya ang tuog na nagmumula sa aking pag-iyak at nang makita niya ako ay nandun na ako sa ilalim ng aming kama.
Labing walo ng agosto 1996.Sa araw na iyon ay hindi na ako ang nagiisang anak ng aking magulang ,dahil sa araw na ito ay ipinanganak ng aking nana yang aking bunsong kapatid na si Mildred Del Valle.Tuwang tuwa naman ang aking magulang na maging dalawa na ang kanilang anak.
Sa aking ikalawang kaarawan , kung saan 2 taong gulang na ako ay dinala kaming magkaatid ng aming magulang sa sto.domingo albay .Dito na din ako nag-diwang ng aking kaarawan,nag-handa ng kunting mapapagsaluhan par sa aming lahat.
Hindi naman kami nagtagal sa bikol ,dalawang buwan lang kami dun at bumalik na din kami sa san juan.doon ay inalagaan kaming magkapatid nang aming magulang.Sabi nga ng nanay ko eh lagi ko raw inaaway ang aking bunsong kapatid,wala daw akong ibang gawin kundi ang kurutin at paiyakin ito.
Pagkalipas ng dalawang taon muli kaming nag=punta sa sto.domingo albay sa lolo at lola naming.Nang kami ay nadoon may nangyari sa akin,dahil sa bata pa ako ay hindi ko pa alam ang aking mga ginagawa at ang bagay bagay sa mundo.Sabi ng nanay ko ay may nakita daw akong butyl ng mais at sinimot ko ito.siyempre dahil sa hindi ko alam kong ano yun,isinuot ko ito sa butos ng aking ilong at hanggang sa bumaon ng malalim.Nang makita ako ng aking nanay at tatay na naiyak at may natulong dugo mula sa aking ilong ay agad-agad ako nilang dinala sa doctor.Doon ay tinanggal ng doctor ang isinuot ko sa aking ilong,at natanggal naman ito .Ngunit hindi pa yun dun nagtatapos,dahil nang umuwi na kami sa san Pablo ay sinuotan ko uli ito nang buto ng lansones at muli ay dinala nanaman ako sa ospital para tanggalin ito ,at natanggal naman ito.
Nung ako ay 5 taong gulang naman ,ayon sa aking nanay at tatay ,habang nananahi ang aking lola ng damit ay ipinatong niya ang gunting sa mesa pagkatapos niyang gamitin.Pinilit kong abutin ang gunting sa ibabaw  ng mesa at dahil sa aking kalikutan noon ay napatakan ako sa ulo ng gunting at tumusok pa ito sa ulo ko.Buti na nga lang at hindi malalim ang pagkakatusok ng gunting at wala naming nang yari sa aking masama.
Ako at ang aking kapatid na si Mildred Del Valle.
Nakalipas uli ang isang taon ,ditto ay 6 na taong gulang na ako at oras na ng aking pagaaral at pag pasok sa paaralan.exited na akong makapasok nun sa paaralan kasi merong mga bagong gamit tulad ng bag ,note book ,at lapis.Araw na ng pasukan at sa unang pasok ko ay nakipaglaro ako sa aking mga kaklasena nagging mga kaibigan ko.Kapag awasan naman ay dumediretso ako sa tindahan para ibili ang aking kapatid ng pasalubong ko sa kanya.Kapag wala naman akong pera ay tinitirhan ko nalang siya ng aking baong tinapay.Tuwang tuwa naman siya sa aking pasalubong sa kanya,pero kahit ganito kami ka sweet sa isat isa eh hindi pa rin naming naiiwasan ang mag away at magtalo sa isang bagay.
Isang araw ng kami ay nag babike nang aking tatay pauwe  galling sa school ay may itinuro ako sa kanyang isang bagay na malapit sa may kanal at sabi ko pa sa tatay ko ay ’’tinganan mo tatay yun angganda nakinang’’.Yun pala ay isang ginto iyo kaya naman agad namin itong sinimot.Pagkalipas ng ilang linggo ay walang nag hanap sa bagay na ito kaya napag pasyahan ng aking magulang na ipagbili nalang ang bagay na ito ,para magkapera.
Ako ng gumaraduate ng Kinder.
Pagsapit ng disyembre 25 ay araw ng pasko at walang pasok.Sa araw na iyon ay maraming bata ang exited ng mamasko at isa na rin ako dun ,habang suot ang mga bagong damit,pantaloon at sapatos.Namasko ako nun kasama ang aking mga pinsan nagbahay bahay kami at nagpunta sa aming mga ninong at ninang.Napakasaya ko nun dahil marami akong nakuhang mga candy at mga pera na ginamit ko para makabili ng mga bagong danit at laruan.
Pagkalipas ng ilang buwan ,ito na ang araw ng aking pagtatapos ng pagaaral sa kinder o graduation day.Dito ay tumanggap ako ng diploma at binigyan ng karapatang makapasok sa unang baiting o sa grade 1.
Noong ako ay grade one na napakahilig kong makipag away sa aking mga kaklase,panuntok ditto panuntok dun yun ang aking lagging ginagawa,kaya naman lagi akong napapagalitan ng aking guro na mam.angeles ,at tandang tanda ko pa noon na hindi na ako nakikinig sa klase dahil iyak nalang ako ng iyak matapos ako pagalitan ng aking guro .Pero sa kabila nang aking mga ginagawa sa school eh nakapasa naman ako at binigyan ng karapatang maging grade 2,grade 3 at hanggang sa maging grade 4 na ako.
Sa aking pagiging grade 4 ,lagi akong napupuri ng aking guro dahil sa aking pagiging mabait at masipag.At pinupuri din ako ng aking guro dahil sa aking pagiging mahusay sa subject na math yun nga lang sa math lang ako magaling ,pagdating sa ibang subject eh kunti lang.Nakapasa naman ako ditto sa grade 4 at maging sa grade 5 ay nakapasa din ako hanggang sa maging grade 6 na ako.
Ako ng gumaraduate ng Grade Six.
Noong grade 6 na ako ay lagi na uli akong nakikipag panuntok,dahil yun ang uso nun at uso pa ang panuntok na grade by grade ,halimbawa grade 6 laban sa grade 5 kaya naman hindi maiwasan ang makipag panunutok.Napakahirap din nang aking pinagdaan dito dahil ang guro ko na si mam.terzona ay namamalo sa kamay ng stick.Kada kami ay may assignment o kaya naman ay quiz,kung ilan ang magiging mali ko dun yun ang ipapalo niya sa akin.Kaya ginagawa ko ang lahat para kunti lang ang aking maging mali sa bawat quiz at assignment.Pero sa kabila nang lahat ng ito ay nakapasa naman ako at binigyan ng karapatang umakyat sa stage nang graduation day at makapag high school.
Noong ako ay 1st year na ay sa san Pablo college national high school ako pumasok.At hindi pa rin nawala sa akin ang pakikipag away ,tulad noong akoy nakipag away sa aking kaklasi ay hinampas ako sa ulo ng attaché case at nagkasugat ang ulo ko at dinala ako sa clinic para gamutin ang natamo kong sugat.Buti nalang at hindi naman malaki ang sugat ko at pinagbati kami n gaming mga teacher at nagbati naman kami.
Sa pagaaral ko sa spc ay hindi ko ito sineryoso puro pagbubulakbol lang ang aking ginagawa at dahil dun puro line of 7 ang aking mga marka sa at sa math lang ako nakakakuha ng line of8.Pero buti naman at sakabila ng aking mga mababang marka ay nakapasa ako, at noong ako ay 2nd year na nagpasya ang aking mga magulang na ilipat nalang ako sa Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School dahil sa mabababa ang aking mga nakukuhang marka.
Noong ako ay 2nd year na sa dizon ay lagi akong nag cucutting para makapag computer,Kaya naman puro palakol ananman ang aking mga naging marka ng 1st at 2nd grading ,Kaya nung 3rd at 4th grading akoy bumawi at nagsikap para makapasa at buti naman at nakapasa din ako at tmaas pa ang aking section.
Noong ako naman ay 3rd year na,nagpasya na akong magbago para makakuha ng mga matataas na amrka.Sa pagbabago kung ginawa ay nakamtan ko ng aang aking inaasahang marka at walang naging bagsak,pero may ilan paring palakol ,pero hindi na ito masama katulad ng dati.
Pagkalipas ng ilang buwan ay magagnap na ang araw ng js.Sa pagsali ko ditto ay marami akong naisayaw at nakilalang mga babae na ibat iba ang seksyon at ang naging 1st dance ko nun ay si Rigene Ontiveros.Khit na nakakpuyat  ang gabing iyon ay naging Masaya namna iyon kaya sulit na ang puyat at pagod.pagkatapos ng js ay balik na uli ang lahat sa pag aaral at may deliveration na.Siyempre kabado din ako nun baka kasi makasa ma ako.Pero nang malaman ko na hindi ako kasama ay tuwang tuwa ako at sa kabila nang aking pagbabago at pagsisikap ay nakapasa ako at nakatungtong ng 4th year.
Ako ngayong 4th year 2011.
Ngayong 4th year na ako ito na ang huling taon ng pagpasok ko sa high school yun ay kung makakapasa ako.
Dito ay may nakilala akong isang magandang babae na nag-ngangalang Arlene Catapang at siya ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko ,kaya naman naglakas loob akong mangligaw sa kanya at salamat naman at sinagot niya ako noong agosto 5 2010 .Nang sinagot niya ako tuwang tuwa ako dahil siya ang 1st girlfriend ko at kulang na nga lang eh magpahanda ako sa aming baranggay dahil sa sobrang saya.Ngayon ay 6 month na kami at sana eh hindi na siya mawala sa akin.
Si Arlene na aking mahal.

Si Arlene at si Eldren.
Mahirap talaga ang pagiging 4th year  maraming mga projects na kailangang tapusin para makapag papirma ng clearance at dapat ding mataas ang bawat marking makukuha para sa pagpasok ng kolehiyo at higit sa lahat dapat na makapasa para makapasok sa kolehiyo.Kaya ako pinagsisikapan ko talaga para makapasa ako at makapag college at maranasang tumongtong uli sa stage sa araw ng graduation.

No comments:

Post a Comment