Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Renz John Pacheco


Si Renz ng 4f 2011


   Ayon sa kwento ng aking ina ay noong pinagbubuntis pa lang niya ako ay swerte daw po ang magiging anak ko.Ako po ay ipinanganak noong disyembre 1,1992.Noong nag-isang taon po ako ay maraming ninong at ninang ko po ang nagpunta sa bahay nmin at marami rin nagregalo sa akin.Masasayang masaya po ako noon.Maraming handa at maraming lobo.May cake pa.
   Pagkatapos po ng isang taon ay sumapit muli ang ikalawang kaarawan ko.Ngunit hindi ako naging masaya noon dahil sa iniwan na po kami ng aming ama bagong silang pa lang po ang kapatid ko noon.Hindi na namin nasilayan ang pagalis na aming ama.Malungkot si mama noon ngunit nagtiis kaming tatlo kahit iniwan kami ni papa.Nagtrabaho si mama upang matustusan ang aming pangangailangan
   Noong tatlong taon po ako,naging masakitin na po ako.Mataas lagi ang lagnat.Lagi akong sinusugod sa ospital ni mama.Ang kapatid ko naman ay naging malusog kaysa sa akin.Mabilis ang aking paggaling noong ako ay nagkasakit.Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil sa mabilis kong paggaling
   Apat na taon po ay natuto na po ako magsalita ng diretso.Tinuturuan po ako ng aking ina habang ang kapatid ko po ay naglalaro sa crib.Lagi po akong pinapasyal ni mama sa sampaloc lake.Noon ayon sa kwento niya po sa akin.masaya po kami ni mama.
   Naglimang taon na po ako ay nagaaral na po ako sa kindergarten.Marami po ako natutunan sa teacher ko ngunit lagi napapagalitan ng teacher ko dahil sa sobrang kulit ko noon kasi bata pa po ako noon.Lagi po ako  hinahatid  sa school.Dala niya po ang aking bag at lunchbox.Doon na po ako kumakain sa school.Tinuturuan po ako magbilang at magbasa ng aking teacher.Paggraduate ko po ng kinder ay tinawag na po ako at sinabi ko po kung ano ang aking ambisyon."i want to be a police man".Proud na proud po sa akin ng aking ina.Nagpapasalamat po ako sa pagiging magpaalaga sa akin noon.
   Anim na po ako noon ay pumasok na po ako sa ika-isang baitang at marami po ako nakilalang bago mga kaklase.Mababait po sila sa akin lahat.Mapagbigay at matapat sa kapwa.Sabi po sa akin ng aking teacher.renz,ikaw ba ay mabait?.Ana sagot ko naman po."opo teacher".Tuwang tuwa po sa akin ang teacher ko habang nagkakaklase po kami ay pinagmamasdan po ako na aking teacher.Nakangiti po sa akin naging first honor po ako noong nasa ika-isang baitang po ako.Maraming parangal ang aking natanggap.Nagpapasalamat po ako sa pagiging mabait po sa akin ng teacher at muling natuwa ang mama ko sa akin.Mahal na mahal po ako ng aking ina.Ganun din po ako sa kanya dahil pinalaki niya po akong magalang sa nakakatanda.
   Pagpasok ko po ng ikapitong taon ay nasa ikalawang baitang na po ako at naging guro ko po noon ang aming kamaganak at kapatid pa ng lola ko.Naging maganda rin ang pakikitungo sa akin ng aking guro na kamag anak namin.Kahit minsan pasaway ako ay pinagsasabihan na lang niya ako at pinalad ako na maging first honor ulit dahil sa ipinamalas ko ng husay sa aming paaralan ng san crispin elementary school.Naging masaya sa iba ko pang kamaganak dahil sa pinalaki ako ni mama na may takot sa diyos.Salamat po ulit sa inyo mama.
   Ikawalont taon ay nasa ikatatlong taon  na ako.Marami na ang tinuturo sa akin ang bago kong teacher.Nagturo sa akin ng ibat-ibang larangan sa sining pati sa musika at palakasan medyo strict pa ang aking guro noong nasa ikatlong baitang.Ngunit naging mabait din naman po siya sa akin.Kaso minsan po ako nagkakamali ng gingawa sa loob ng silid aralan ngunit tinuturo po yon sa akin ng aking guro.Maraming kaklase ko po ang naturuan kapag hindi nila alam ang gagawin.Pagkatapos aykapag uwian ay masaya kami magkakasabay galing sa school.Nagpapasalamat po ako sa guro namin sa muli naming pagtatapos sa ikatlong baitang maraming po salamat sa inyo mahal naming guro.
   Siyam na taon na po ako noon ay ay nasa ikaapat na baitang na po ako.Panibagong pagsubok nanaman ito.Panibagong guro nanaman ito sa lahat na naging guro.Parang ina ko ito dahil sa napakabait niya sa akin.Bonobigyan niya po ako ng pagkain kapag recess.Hinding hindi ko po siya makakalimutan.Nagpapasalamat po ako sa kanya ng marami dahil sa lahat kong natutunang asal sa kanya.Maraming salamat po sa inyo.
   Sa pagtatapos ng elementarya ay malungkot kaming mga magkakaklase dahil sa magkakahiwalay na kami ngunit maging masaya masaya kaming magkakaklase.Pagkatapos ng graduation maraming magulang ang natuwa sa kani-kanilang mga anak at sa pinakahuli ay nagpapasalamat po ako sa lahat na naging guro ko lalong lalo na sa pinakamamahal kong ina na nagpaaral sa akin ng anim na taon.
  Noong naglabingtatlong taon na po ako ay nagaral na po ako sa san pablo ng hayskul.Sa unang taon ko palang ay medyo mahirap na ang mga ginagawa ng mag-aaral dito ngunit nagsikap po ako nang makatapos ako ay nagtagumpay na po ako.Maraming proyekto ang pinagawa ng guro namin ngunit natapos upang makapagtapos ako sa unang taon.
  Noong nasa ikalawang taon na po ako ay marami po humahanga sa akin dahil sa husay ko po sa arithmetic.Ngunit nakaroon po ako ng kakumpitinsya sa paglaban sa ibat-ibang school.Pero ako po ang napili ng guro ko po na lumaban.
Ang aking mga Classmate
Ang aking Barkada
Ang aking Crush
  Noong ikatlong taon po ay huminto po muna ako sa kadahilanang marami po ako gastusin sa eskwelahan.Si mama ay napilitang na magtrabaho sa ibang bansa na po ang mama ko.Habang nasa ibang bansa na po ang nanay ko ay tumutulong na po ako sa tindahan ng tita ko dahil sa siya ang nagpapaaral sa akin ngayong fourth year na ako habang si mama ay dalawang taon sa singapore.Hanggang dito na lang ang talambuhay ko.
Si Renz at ang aking Minamahal





  Maraming maraming salamat po.

Ang Talambuhay ni Daryle Joyce A. Flores


Ang talambuhay ni Daryle Joyce A. Flores
class picture ng 4f


js prom



Ako si Daryle Joyce A. Flores ipinanganak ako nong Hulyo 27 taong 1994 isinilang ako sa Doctors Hospital akoay pangalawa sa bonsong magkakapatid, Meron akong katangian, nakita ko lang ito nung ako ay 6 yrs. Old, magaling akong gumuhit at mag sulat, at higit dito meron din akong angking katalinuhan. Ang aking mga magulang na siyang nagpalahi sa akin at tinuruan ng tamang asal ay si Arsenia A. Flores at si Dario C. Flores, Ang aking ina ay masipag sa mga trabaho at ang kanyang trbaho ay isang mananahi ng stuftoys na kung saan ay nakasama niya ditto si Sir. Dennis Lacsan sa trabaho. Ang aking naming ama ay isang huwarang masipag din sa trabaho at ang trabaho nito ay isang welder, silang mga pamilya naming ang bumubuhay sa amin upang makapag aral sa eskwelahan. Gusto ko lang naman maibahagi na 6 kami magkakapatid at ang kanilang mga pangalan ay si Lulu V. Reyes meron na siyanng asawa, siya ay isang guro ng HRM sa DLSP o Dalubhasaan ng lungsod ng San Pablo, Sumunod naman ay si Paul Euri meron na ding asawa at may 2 supling na anak, si Rogelo at si Ninevetch, si Ninevetch ay nag aaral ng midwife sapagkat hindi niya ito natapos sa kadahilanan na maaga siyang nag asawa at ang naging asawa ay si Adelon Ciolo guro sa saint Joseph Schoolat aming naming bunsong kapatid na si Darrizzle Julia A. Flores nag aaral siya sa School ng CLDDMNHS.


ako at ang aking barkada


Noong ako ay 6 na taong gulang gustung- gusto kong makapag-aral, makapasok sa paaralan ngunit noong dumating ang time na enrollment hindi ako tinanggap kasi bata pa daw ako at 6 na taong gulang palang daw ako. At ang pwede daw mag grade 1 ay dapat nasa edad 7 taong gulang kaya nag-intay pa ako ng isang taon para makapasok sa paaralan pero handing handa na akong pumasok nung time na yun mayroon na nga akong dala-dalang gamit. Nag-iiyak ako nun nung hindi ako nakapasok. Nang nag 7 taong gulang na ko enrollment na ulit, masaya na ako nun kasi makakapasok na ako. Tinanggap na ako maggrade 1 at excited na ako makapag-aral at ang naging guro ko ay  si Ginang. Estrella A. Pestijo. Ang section ko ay grade 1-A. Nung nag-activity na kami pinagdrawing kami ng bibe na nga nakagawa nga ako hindi ko yun inaakala na makakagawa ako nung natapos ko yung drawing tuwang tuwa ako, takbong takbo ako pauwi sa amin para ipakita sa aking ina ang aking nagawa o naiguhit at ditto nakitaan ako ng angkin galling sa pagguhit. Nung ako naman ay Grade 2 ang naging guro ko naman ay si Ms. Amihan A.F. Eseo, paborito akong mag-aaral ni Ma’am tuwang-tuwa siya lagi sa akin.Nakapasa kami ditto at naging Grade 3 at naging guro ko naman ay si Ginang Melinda Acosta, mabait siyang guro at dito yung classmate ko na si Jhon Paul nanghingi ako ng isang papel at pagkatapos nun awasan na kami sabi nung isa naming classmate na si wilfredo may crush daw yun sa akin tapos tinatanung ko ano yung crush? Syempre hindi ko pa yon masyadong alam. May gusto pala siya sa akin. Tapos nung grade 4 kami hindi pa din niya ako tinitigilan at naiinis na nga ako nun. Ang guro namin nung grade 4 ay si Ma’am Dela Cruz at kinalulungkot ko ay pumanaw na siya. Si Gng. Dela Cruz ay isa siya sa guro na nasa school canteen at napakabait niya. Grade 5 na ako ang aking naging guro naman ay si Ma’am Baby Jean Fernandez, super close naming guro ngunit di naming namalayan na dumaan siya sa sang malaking operasyon at ito ay sa obaryo. Awang-awa kami sa aming guro at nung gumaling na siya ay may contest kami ng tula at ito ay pinamagatan na “The Cry Awoke Balintawak” lumaban kami sa paaralan ng Paaralan ng Pag-ibig at Pag-asa (PPP)  ang costume ko dito ay isang igorot. Natalo kami nun kaya hindi kami Masaya pero may parangal pa din sa amin at iyon ay best in costume Masaya pa din naman kahit hindi namin nakuha ang parangal sa pagtula. Grade 6 na kami ang aking naging guro ay si Ginang. Guadalupe Banayo, isa syang matanda ng guro pero magaling siyang magturo minsan nagalit siya sa amin dahil nabasag namin yung aquarium na hindi namin yun na mangyayari. Nagkaroon ng timpalak sa pagguhit at ako ang inilanban sa amino klase. Pinagpapractice kami sa library at nung natapos na yung drawing ko na may temang “ Pag-iimpok sa pananaw ng bata” hindi ko ito akalain na napili ako sa aming eskwelahan na ilaban sa ibang eskwelahan at ito ay sa San Anton Elementary School. Kabang-kaba ako nung lalaban kami, pagkatapos ng laban nagpahinga muna at sinabi na ang nanalo napili ako sa isa at nakuha ko ang pang limang pwesto napakasaya ko talaga at nagpapasalamat ako kay God, dahil kung hindi niya ako ginabayan sa laban siguro ay talo ako sa timpalak na ito.Mlapit na kaming mag graduation gumawa muna kami ng essay na ang title ay Äng aking Pagtatapos”nakagawa ako nito at pag katapos binasa ito sa unahan. Napaiyak nga ako nung binasa ko ang aking pagtatapos nagpractice naman kami ng graduation song at ito ay “JOURNEY”. Iyakan kami ditto sa kantang ito kahit di pa kami ggraduate at ito na nga malapi na ang graduation naming March 28, 2007.”GRADUATION DAY” na hindi pa umpisa ang program nag-iiyakan na kasi magkakahiwalay na kami mag bebestfriend at mag kakaklase. Nag umpisa na ang program nung tinawag na ang pangalan ko upang makuha ang aking diploma madami akong iyak dito at talagang nakakatouch ang graduation march. Tapos sabi ng teacher namin magbibigay daw naman ng rose sa mga parents tinawag ulit ako dito at pinaakyat ang mama ko upang ibigay sakaniya ang rose habang ibinibigay ko ito tinugtog ang graduation song na touch din ako sa kantang yon dahil nakaktulo talaga ng luha. Binigay ko ang diploma ko sa mam ko at yung rose. Pagkatapos ng graduation RECOGNITION naman yun nga may award ako dito certificate nga lang dahil sa pagkakapanalo ko sa drawing contest nung natapos na ang recognition day nag papicture kamimg dalawa ni John Paul sa likod ng aming classroom at naiiyak ako dito kasi hindi na kami magkikita. Napakasaya pero may kahalog lungkot kasi hiwhiwalay na ang mga matagal ng magkakasama sa loog ng 6 na taong pagsusunog ng kilay. Nagpapasalamat din ako sa magulang ko na gumabay sa akin sa pag aaral sa 6 na taonng pinuno nila ng hirap para lang makapagtapos ako sa elementarya. Maraming maraming salamat sa magulang ko sila aking buhay at kung wala sila ay wala din ako.


Bakasyon, masaya din naman kahit tigil sa bahay at kahit wala sa school, yung iba kong classmate ay nakikita ko pa din. Masaya kaming nagbakasyon, nagswimming kaming mag anak kasama namin yung kapatid ni mama na dumating galing sa Australia, lahat ng kamag anak naming ay kasama, ginanap ito sa Galliano resort at sa Villa amante resort at masaya kaming nag picturan.
Tapos na ang bakasyon masaya ulit kasi ayan na ang high school life. Mararating ko na lagi ang bayan. Nag enrolment kami sa school ng CLDDPSH yung iba kong kaibigan ay dun din nag aaral at yung aba naman ay classmate ko pa, Masaya at nag kasama ulit kami. 1st yr na ako wow! Ang saya, section ko dito ay 1-H guro ko si Mr. Calabia na siya ay teacher sa math. Magaling din siyang magturo nung nag class organization kami ako yung napili bilang secretary n gaming klase. Ngayong 2nd yr na ako teacher naman naming dito ay si Gng. Bidula teacher ng Filipino, nag play kami dito ng Floranta at laura at isa ako dito na mang aawit, ngunit hindi kami nanalo sa play na ito.  
Nag karoon din ng singing, masaya din ito dahil kantahan, at sayawan ito, meron din ditong battle of the band. 3rd yr, naman, angbilis ng panahon isang taon nalang 4th yr na kami, teacher naming ay si mam Deomano, teacher ng math at siya ay adviser ng 3-F. Ngayong 4th yr na kami masaya na gagaraduate na ulit kami napakabilis talaha ng panahon, mahirap maging 4th yr student dahil dapat ay tutok ka sa pag aaral mo kasi tagumpay sa buhay ang nakataya dito pati para na din sa akin ito. Masaya maging high school madami na din akong napagdaanan na masasayang araw na napagsamahan kasama ang mga barkada at kababata.

barkada ko









ako at bestfriend ko

Ngayon na gagaraduate na kami wish ko lang sa lahat ay makatutng entablado para naman lahat ng magulang ay maging masaya sa amin. Syempre malungkot ako dahil lath ng mga classmate ko ay mag iia na ng mga school hindi na kami magiging tulad ng dati. Sana makanap kami ng magagandang trabaho para sa aming mga magulang para masuklian namin ang hirap na nagawa nila para sa amin. At nung JS namin ay gumising ako ng maaga dahil ako ay nag pakulot ng aking magandang buhok.
<>


Ang Talambuhay ni Babylyn Perez

baby pa ko
            Ako si Babylyn Perez, isinilang noong ika-15 ng Mayo, 1995 sa San Pablo City Medical Hospital. Ako ang bunso’t panganay ng aking mga magulang na sina Rosa Perez at Wilfredo Perez. Dahil Nag-iisa lamang nila akong anak. Nakatira kami sa 3: Interior M. Paulino St. San Pablo City. Ang mga katangian ko ay mabait, tahimik, makulit, medyo pasaway, medyo matalino at may kagandahan.  


mama ko at pinsan

papa ko
ako nung grumaduate ng kinder
            Ang aking ina ang unang nagturo sa akinng bumasa at sumulat, habang siya ay tumutulong sa aking ama sa paghahanap-buhay upng maibigay lamang ang aking mga pangangailangan. Ang akin namang ama ay naghahanap-buhay din para sa aming mga pangangailangan araw-araw. Ang trabaho ng aking ina ay sa pabrika at amg akin namang ama ay drayber.Nang ako ay mag-apat na taon na, ipinasok na ako ng aking mga maguolang ng kinder sa paaralan ng Brgy. II-D day Care Center. Dito ako lalong natutong bumasa at sumulat. Sa kadahilanang bata pa noon ako, ako ay hindi nakasamang grumaduate ng kinder. Samantala, ipinasok ulit ako ng aking mga magulang ng kinder nang ako ay maglimang taon. At ditto na ako nakasamang grumaduate dahil tama na daw ako sa gulang. Ngunit may nangyaring aksidente sa akin noon, na kahit ngayon ay dala-dala ko parin. Dahil sa kakulitan ko daw noong bata pa ako, ako ay nahulog sa aming hagdan, na nagdulot ng pagkabali ng aking kaliwang braso sa may siko. Pero ito ay nalunasan naman ng madalian. Subalit napingkaw naman ako, na kahit ngayon ay dala-dala ko parin.
ako nung grumaduate ng grade 6
        Nang ako naman ay mag-anim na taon na, ipinasok ako ng aking mga magulang ng Grade I sa San Pablo Central Elamantary School. Dito ako natutong makisalamuha sa maraming tao at maging palakaibigan. Nakilala ko ditto nag aking mga kaibigang nagpasaya pa lalo sa aking buhay, ito ay sina; Rae Michelle; Charice; Theresa; Ivy; Jude; Vita; Eunice at marami pang iba. Sila ang nagging kabarkada ko noon. Pero nag nagging mas close at napalapit ng husto sa akin na nagging best friend ko pa nga ay si Chloebelle dahil parang parehas kami ng pagu-ugali kaya kami nagkasundo. Pero may isa pa akong best friend, na mula pa pagkabata ay kasama ko na. Ito ay si Maricon, nagging classmate ko siya noong kinder ako, at doon na nagsimula an aming pagka-kaibigan at hanggang ngayon ay magkasama parin kami. Mag-best friend parin kami. Nang ako ay grumaduate ng Grade 6, nag saya-saya ko, dahil nakapagtapos na akong elementary. Pati na ang aking mga magulang ay nagging Masaya rin para sa akin.Nang sumunod na pasukan, ako ay pumasok na bilang hayskul sa CLDDMNHS or Dizon High. Dito na ako lalong nagsipag mag-aral para mapataas ko pa lalo ang aking mga marka.     
          Noong ako ay mag-first year High School na, dito ko na naranasan ang mga pagbabago sa aking sarili.Dito na ako nagging mas matured, dahil sa ako ay nagdadalaga na.Noong ako naman ay mag-second year High School na, dito na ako mas lalong bnagsumikap sa pag-aaral dahil sinabi ng aking mga magulang na pagbutihan ko ang aking pag-aaral. Dito ko rin nakilala ang mga kaibigan kong, “VheSouMenReEIBaVy”. Iyan ay kinabibilangan nina Vhera Alamag; Souzette Sanico; Menchie Regachuelo; Reslie Villapando; Ella Mae Cuello; at Ivy Victorino. Subalit sa pagiging Choir sa aming kapilya o sambahan, medyo napabayaan ko  aking pag-aaral. Sa kadahilanang lagi akong nakakaliban sa klase, dahil maraming ginagawa sa aming sambahan o sa aking pagka-choir. Pero hindi ko naman sinisisi ang pagiging choir ko sa amimg sambahan sa pagpapabaya ko sa aking apg-aaral. Dahil Masaya naman ako sa aking pagka-choir, dahil nakakapaglingkod ako sa Panginoong Diyos. 
         At dahil sa pagkakapabaya ko sa aking mga marka, lubhang bumaba ang aking mga grado, at dahil sa nangyari, ako ay na-deliberate sa asignaturang English at A.P.. Pero nakapasa naman ako at nagging third year.Nang ako naman ay nag-third Year na, pinagbuta ko na ulit ang aking pag-aaral. Inayos ko na ang aking schedule sa pagka-choir, upang sa ganoon, hindi na ako masyadong nakakaliban sa klase. Sa year na ito, nawala na ang aking pagkahiya, dahil sa mga ipinagagawasa amin. Sa year na ito, naging magulo ang aking pamilya. Dahil sa nag-aaway sila at umalis pa sa aming bahay si mama, na lalongnagpalungkot sa akin. Ang papa ko naman at ang kanyang mga kapatiday nag-aaway-away nga dahil sa kanilang ina na may sakit. Ito ay ikinalungkot ko dahil nag-aaway-away silang lahat. Ako’y naapektuhan dito. Pero kahit na maraming problema ang aming pamilya, nagpursigi parin ako sa pag-aaral. Dahil sa aking pagpupursigi, nakapasa ako ng third year at naging fourth year na nga ako.At “at last”, naging fourth year na nga ako, na lubhang ikinasiya ko, dahil matatapos ko na ang mahabang paghihirap ko sa High School. Sa year na ito, naging maayos na ang aking pamilya. Nang mamatay ang aking lola dahil sa kanyang sakit. Saka laman nagkabati-bati ang aking pamilya. At bumalik na rin sa aming bahay ang pinkamamahal kong ina. Naging masaya na ako. 
         At dahil doon, mas lalo ko pang pinagbuti ang aking pag-aaral. Bawat araw ay nagsusumikap at pinipilit kong mapabuti ang aking pag-aaral. Kahit na minsan ay dumadanas kami ng ‘financial problem’.At sa  ngayon, inaantay ko na lamang ang aking pag-graduate. At magiging college na ako.
ako ngayon
       Hanggang dito na lamng muna ang aking talambuhay.

Saturday, February 19, 2011

ANG TALAMBUHAY NI ELDREN DEL VALLE


Ayon sa aking nanay ,noong ako ay dalawang buwan palang niyang ipinagbubuntis ay akoy napaglihihan niya sa hamburger.                        
Taong 1995 ika-7 ng abril ay nakaramdam ang aking nanay ng pananakit ng kanyang tiyan.Sa ganap na oras na 10:30 ay isinugod ang aking nanay sa city hospital,ngunit inabot pa siya ng magdamag doon.
Eldren Del Valle nang 1 taon palang.
Sa ganap na 8:00 ng umaga ika-8 ng abril ,saka iniluwal ang isang cute na batang lalaki na nag-ngangalang Eldren Del Valle.Ang aking mga magulang na sina Eduardo Del Valle at Myrna Del Valle ay tuwang –tuwa nang magkaron sila ng isang anak na malusog.
Pagkalipas ng dalawang buwan ng aking kapanganakan ,ika-24 ng hunyo ay piesta ng san juan at sa araw ding iyon ang aking binyagan.Sa simbahan ng katoliko sa san juan ako bininyagan ,at ditto ay dumalo ang aking mga magiging ninong at ninang na sina ninong being,ninong edgar ,nining uwen ,ninong boy,ninang ninet ,ninang norma at nining selia.
Ang aking ama't ina na sina Eduardo Del Valle at Myrna Del Valle.
Pagkalipas ng tatlong buwan nang aking binyagan ay dinala ako ng aking mga magulang sa sto.domingo albay.Dito nakatira ang aking mga lolo at lola na sina Dios Coro Bellen at Avelina Bellen na magulang ng aking nanay.Tuwang tuwa naman sila ng Makita nilang malusog ako at lagi nila akong pinaglalaruan at kinakarga ,dahil sa akin ay nagiging masayang-masaya sila.
Pagkalipas ng pitong buwan ay sumapit na ang aking unang kaarawan,kung saan ay nagging isang taong gulang na ako.Marami ang mga nag sidalo ditto at marami din ang aking mga nagging handa tulad ng spaghetti ,sopas ,pansit,tinapay at iba pang mga putahe.Makalipas ang tatlong buwan ng aking kaarawan  .Ayon sa aking tatay ,nang umuwi siya galing trabaho at nang humiga siya sa kama ay hindi daw niya napansin na wala na pala ako sa kama at maya-maya pa ay nag simula na akong umiyak.Nagising ang aking tatay at nang magising siya ay hinanap niya ako ,sinundan niya ang tuog na nagmumula sa aking pag-iyak at nang makita niya ako ay nandun na ako sa ilalim ng aming kama.
Labing walo ng agosto 1996.Sa araw na iyon ay hindi na ako ang nagiisang anak ng aking magulang ,dahil sa araw na ito ay ipinanganak ng aking nana yang aking bunsong kapatid na si Mildred Del Valle.Tuwang tuwa naman ang aking magulang na maging dalawa na ang kanilang anak.
Sa aking ikalawang kaarawan , kung saan 2 taong gulang na ako ay dinala kaming magkaatid ng aming magulang sa sto.domingo albay .Dito na din ako nag-diwang ng aking kaarawan,nag-handa ng kunting mapapagsaluhan par sa aming lahat.
Hindi naman kami nagtagal sa bikol ,dalawang buwan lang kami dun at bumalik na din kami sa san juan.doon ay inalagaan kaming magkapatid nang aming magulang.Sabi nga ng nanay ko eh lagi ko raw inaaway ang aking bunsong kapatid,wala daw akong ibang gawin kundi ang kurutin at paiyakin ito.
Pagkalipas ng dalawang taon muli kaming nag=punta sa sto.domingo albay sa lolo at lola naming.Nang kami ay nadoon may nangyari sa akin,dahil sa bata pa ako ay hindi ko pa alam ang aking mga ginagawa at ang bagay bagay sa mundo.Sabi ng nanay ko ay may nakita daw akong butyl ng mais at sinimot ko ito.siyempre dahil sa hindi ko alam kong ano yun,isinuot ko ito sa butos ng aking ilong at hanggang sa bumaon ng malalim.Nang makita ako ng aking nanay at tatay na naiyak at may natulong dugo mula sa aking ilong ay agad-agad ako nilang dinala sa doctor.Doon ay tinanggal ng doctor ang isinuot ko sa aking ilong,at natanggal naman ito .Ngunit hindi pa yun dun nagtatapos,dahil nang umuwi na kami sa san Pablo ay sinuotan ko uli ito nang buto ng lansones at muli ay dinala nanaman ako sa ospital para tanggalin ito ,at natanggal naman ito.
Nung ako ay 5 taong gulang naman ,ayon sa aking nanay at tatay ,habang nananahi ang aking lola ng damit ay ipinatong niya ang gunting sa mesa pagkatapos niyang gamitin.Pinilit kong abutin ang gunting sa ibabaw  ng mesa at dahil sa aking kalikutan noon ay napatakan ako sa ulo ng gunting at tumusok pa ito sa ulo ko.Buti na nga lang at hindi malalim ang pagkakatusok ng gunting at wala naming nang yari sa aking masama.
Ako at ang aking kapatid na si Mildred Del Valle.
Nakalipas uli ang isang taon ,ditto ay 6 na taong gulang na ako at oras na ng aking pagaaral at pag pasok sa paaralan.exited na akong makapasok nun sa paaralan kasi merong mga bagong gamit tulad ng bag ,note book ,at lapis.Araw na ng pasukan at sa unang pasok ko ay nakipaglaro ako sa aking mga kaklasena nagging mga kaibigan ko.Kapag awasan naman ay dumediretso ako sa tindahan para ibili ang aking kapatid ng pasalubong ko sa kanya.Kapag wala naman akong pera ay tinitirhan ko nalang siya ng aking baong tinapay.Tuwang tuwa naman siya sa aking pasalubong sa kanya,pero kahit ganito kami ka sweet sa isat isa eh hindi pa rin naming naiiwasan ang mag away at magtalo sa isang bagay.
Isang araw ng kami ay nag babike nang aking tatay pauwe  galling sa school ay may itinuro ako sa kanyang isang bagay na malapit sa may kanal at sabi ko pa sa tatay ko ay ’’tinganan mo tatay yun angganda nakinang’’.Yun pala ay isang ginto iyo kaya naman agad namin itong sinimot.Pagkalipas ng ilang linggo ay walang nag hanap sa bagay na ito kaya napag pasyahan ng aking magulang na ipagbili nalang ang bagay na ito ,para magkapera.
Ako ng gumaraduate ng Kinder.
Pagsapit ng disyembre 25 ay araw ng pasko at walang pasok.Sa araw na iyon ay maraming bata ang exited ng mamasko at isa na rin ako dun ,habang suot ang mga bagong damit,pantaloon at sapatos.Namasko ako nun kasama ang aking mga pinsan nagbahay bahay kami at nagpunta sa aming mga ninong at ninang.Napakasaya ko nun dahil marami akong nakuhang mga candy at mga pera na ginamit ko para makabili ng mga bagong danit at laruan.
Pagkalipas ng ilang buwan ,ito na ang araw ng aking pagtatapos ng pagaaral sa kinder o graduation day.Dito ay tumanggap ako ng diploma at binigyan ng karapatang makapasok sa unang baiting o sa grade 1.
Noong ako ay grade one na napakahilig kong makipag away sa aking mga kaklase,panuntok ditto panuntok dun yun ang aking lagging ginagawa,kaya naman lagi akong napapagalitan ng aking guro na mam.angeles ,at tandang tanda ko pa noon na hindi na ako nakikinig sa klase dahil iyak nalang ako ng iyak matapos ako pagalitan ng aking guro .Pero sa kabila nang aking mga ginagawa sa school eh nakapasa naman ako at binigyan ng karapatang maging grade 2,grade 3 at hanggang sa maging grade 4 na ako.
Sa aking pagiging grade 4 ,lagi akong napupuri ng aking guro dahil sa aking pagiging mabait at masipag.At pinupuri din ako ng aking guro dahil sa aking pagiging mahusay sa subject na math yun nga lang sa math lang ako magaling ,pagdating sa ibang subject eh kunti lang.Nakapasa naman ako ditto sa grade 4 at maging sa grade 5 ay nakapasa din ako hanggang sa maging grade 6 na ako.
Ako ng gumaraduate ng Grade Six.
Noong grade 6 na ako ay lagi na uli akong nakikipag panuntok,dahil yun ang uso nun at uso pa ang panuntok na grade by grade ,halimbawa grade 6 laban sa grade 5 kaya naman hindi maiwasan ang makipag panunutok.Napakahirap din nang aking pinagdaan dito dahil ang guro ko na si mam.terzona ay namamalo sa kamay ng stick.Kada kami ay may assignment o kaya naman ay quiz,kung ilan ang magiging mali ko dun yun ang ipapalo niya sa akin.Kaya ginagawa ko ang lahat para kunti lang ang aking maging mali sa bawat quiz at assignment.Pero sa kabila nang lahat ng ito ay nakapasa naman ako at binigyan ng karapatang umakyat sa stage nang graduation day at makapag high school.
Noong ako ay 1st year na ay sa san Pablo college national high school ako pumasok.At hindi pa rin nawala sa akin ang pakikipag away ,tulad noong akoy nakipag away sa aking kaklasi ay hinampas ako sa ulo ng attaché case at nagkasugat ang ulo ko at dinala ako sa clinic para gamutin ang natamo kong sugat.Buti nalang at hindi naman malaki ang sugat ko at pinagbati kami n gaming mga teacher at nagbati naman kami.
Sa pagaaral ko sa spc ay hindi ko ito sineryoso puro pagbubulakbol lang ang aking ginagawa at dahil dun puro line of 7 ang aking mga marka sa at sa math lang ako nakakakuha ng line of8.Pero buti naman at sakabila ng aking mga mababang marka ay nakapasa ako, at noong ako ay 2nd year na nagpasya ang aking mga magulang na ilipat nalang ako sa Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School dahil sa mabababa ang aking mga nakukuhang marka.
Noong ako ay 2nd year na sa dizon ay lagi akong nag cucutting para makapag computer,Kaya naman puro palakol ananman ang aking mga naging marka ng 1st at 2nd grading ,Kaya nung 3rd at 4th grading akoy bumawi at nagsikap para makapasa at buti naman at nakapasa din ako at tmaas pa ang aking section.
Noong ako naman ay 3rd year na,nagpasya na akong magbago para makakuha ng mga matataas na amrka.Sa pagbabago kung ginawa ay nakamtan ko ng aang aking inaasahang marka at walang naging bagsak,pero may ilan paring palakol ,pero hindi na ito masama katulad ng dati.
Pagkalipas ng ilang buwan ay magagnap na ang araw ng js.Sa pagsali ko ditto ay marami akong naisayaw at nakilalang mga babae na ibat iba ang seksyon at ang naging 1st dance ko nun ay si Rigene Ontiveros.Khit na nakakpuyat  ang gabing iyon ay naging Masaya namna iyon kaya sulit na ang puyat at pagod.pagkatapos ng js ay balik na uli ang lahat sa pag aaral at may deliveration na.Siyempre kabado din ako nun baka kasi makasa ma ako.Pero nang malaman ko na hindi ako kasama ay tuwang tuwa ako at sa kabila nang aking pagbabago at pagsisikap ay nakapasa ako at nakatungtong ng 4th year.
Ako ngayong 4th year 2011.
Ngayong 4th year na ako ito na ang huling taon ng pagpasok ko sa high school yun ay kung makakapasa ako.
Dito ay may nakilala akong isang magandang babae na nag-ngangalang Arlene Catapang at siya ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko ,kaya naman naglakas loob akong mangligaw sa kanya at salamat naman at sinagot niya ako noong agosto 5 2010 .Nang sinagot niya ako tuwang tuwa ako dahil siya ang 1st girlfriend ko at kulang na nga lang eh magpahanda ako sa aming baranggay dahil sa sobrang saya.Ngayon ay 6 month na kami at sana eh hindi na siya mawala sa akin.
Si Arlene na aking mahal.

Si Arlene at si Eldren.
Mahirap talaga ang pagiging 4th year  maraming mga projects na kailangang tapusin para makapag papirma ng clearance at dapat ding mataas ang bawat marking makukuha para sa pagpasok ng kolehiyo at higit sa lahat dapat na makapasa para makapasok sa kolehiyo.Kaya ako pinagsisikapan ko talaga para makapasa ako at makapag college at maranasang tumongtong uli sa stage sa araw ng graduation.